Tagalog Archives - Freedom by Marion Bloem https://freedombymarionbloem.com/language/tagalog/ A poem to understand the meaning of the concept FREEDOM Sat, 18 May 2019 20:03:56 +0000 en-US hourly 1 https://wordpress.org/?v=6.7.1 Kalayaan in Tagalog by Aida F. Santos https://freedombymarionbloem.com/kalayaan-in-tagalog-by-aida-f-santos/ https://freedombymarionbloem.com/kalayaan-in-tagalog-by-aida-f-santos/#respond Sun, 25 Nov 2012 23:00:00 +0000 https://freedom.pilvia.site/?p=78 Kalayaan

Kung ang pagiging malaya ay: biglang tatahimik ka
dahil mayroon akong sasabihin

The post Kalayaan in Tagalog by Aida F. Santos appeared first on Freedom by Marion Bloem.

]]>

Kalayaan

Kung ang pagiging malaya ay: biglang tatahimik ka
dahil mayroon akong sasabihin

Kung ang pagiging malaya ay: ikaw, sa likod ng rehas,
para mawala ang aming takot
na ikaw ay naiiba
sa iyong ginagawa at hindi ginagawa

Kung ang pagiging malaya ay: taimtim na
paghugis sa kinabukasan sa pamamagitan
ng pagmamaliit sa araw na ito

Kung ang pagiging malaya ay: pagsasara ng mga pintuan
upang malayang matyagan sa monitor
ang lahat na dapat ingatan

Kung ang pagiging malaya ay: pagtulog nang laging payapa
dahil malisyosong pinutulan ang iba
ng kanilang mga dila

Kung ang pagiging malaya ay: kakain anumang oras anumang ibigin mo
ngunit itatapon ang pinagbalatan sa mga dyaryong
nagkukubli ng pagkagutom

Kung ang pagiging malaya ay: ang hindi pagkabatid
kung anong nagpalaya sa akin, anong nagpapalaya sa akin, anong bumibilanggo sa akin sa araw-araw kong kalayaan

Kung ang pagiging malaya ay: paghihintay hanggang
Sa aki’y may magpapalaya mula sa mga kinatatakutan
at sa kanya’y buo ang aking tiwala

Kung kalayaa’y nakatapal sa aking mga iniisip
Kung kalayaa’y bumabalot sa aking paligid
hanggang sa aking kaloob-looban,
ngunit di mo masapol

Kung ako’y ipagtatanggol ng kalayaan
mula sa mga ideya mong
labis na kaiba sa akin

Kung para sa akin ang kalayaan sa ngayo’y
likas, at ito’y hindi mo
maunawaan

Kung gayon, ang kalayaan
ay isang sugal
Kung gayon, ang kalayaan ay isa lang hangin at kuro-kuro

Ngunit nais kong lumaya’t
iwanan ang ilan kong sapat na kalayaan – kung
magkakaisa ang dalawang panig –
panandalian o sa mahaba-habang panahon
upang mapalaya ka
mula sa aking nakasasakal na kalayaan

Marion Bloem

Tagalog translation by Aida F. Santos
From English translation “Freedom” by Martin Cleaver

The post Kalayaan in Tagalog by Aida F. Santos appeared first on Freedom by Marion Bloem.

]]>
https://freedombymarionbloem.com/kalayaan-in-tagalog-by-aida-f-santos/feed/ 0